NAGSE-CELEBRATE si Anne Curtis ng kanyang 21st anniversary in showbiz at meron bang mas fitting na celebration kung hindi ang muli siyang magkaroon ng concert?

Anne

Ito ay pagkatapos na maging blockbuster hit ang pelikula niyang Buy Bust. May upcoming movie pa si Anne this year, ang horror-thriller na Aurora na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), na ang kabuuan ay na-shoot sa Batanes.

Pero bago ‘yan, sa August 18 gaganapin ang sabi niya ay last concert na niya, ang Anne Kulit: Promise, Last na ‘To, sa Smart Araneta Coliseum.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Sa press launch ng concert, nagpasalamat si Anne sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Nagbiro pa siya na akala raw niya after nilang magpakasal ng husband niyang si Erwan Heussaff ay matatahimik na ang career niya. Pero mali. Dahil dumating pa nga ang blessings, kaya naging busy pa rin siya.

“Pero last na talaga ito, after ng concert, gusto ko na munang magpahinga,” sabi ni Anne.

“Sa November, kami ni Erwan, itutuloy na ang honeymoon namin sa South Africa. After kasi ng wedding namin, hindi pa rin kami magkaroon ng time na para lang sa aming dalawa, kahit dinner na kami lang dalawa. Siguro babalik na lang kami para naman sa promotion ko ng Aurora sa December.”

Magiging special guests ni Anne, at makikipag-duet siya, kina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, James Reid, sa Ex Battalion at Aegis, at sure nang ang kakantahin niya ay ang paborito niyang Halik.

Ang concert ay ididirek ni Paul Basinillo with Louie Ocampo as musical director. Si Teacher Georcelle naman ang dance director.

Production ito ng VIVA Live at proceeds will benefit the special projects of Dream Machine Philippines.

Available na ang tickets priced at VVIP - P8,000 na may kasamang special gift from Anne, and a photo op with her; VIP - P4,770; Patron - P3,710; Box Premium - P2,968; Box Regular - P2,120; Upper Box - P1,272; and General Admission - P424. Mabibili ang mga ito sa Ticketnet sa 911-5555, and sa Viva Live, 687-7236.

-NORA V. CALDERON