RIYADH (AFP) – Sinabi ng Saudi Arabia nitong Lunes na pinalalayas nito ang Canadian ambassador at pinauwi ang kanyang envoy kasabay ng pagpapatigil sa lahat ng bagong kalakal, bilang protesta sa panawagan ng Ottawa na palayain ang mga nakakulong na aktibista.

Binigyan ng kaharian ang Canadian ambassador ng 24 na oras para umalis sa bansa dahil sa umano’y panghihimasok sa internal affairs nito.

‘’The Canadian position is an overt and blatant interference in the internal affairs of the kingdom of Saudi Arabia,’’ tweet ng Saudi foreign ministry. ‘’The kingdom announces that it is recalling its ambassador to Canada for consultation. We consider the Canadian ambassador to the kingdom persona non grata and order him to leave within the next 24 hours.’’

Ipinahayag din ng ministry ang ‘’freezing of all new trade and investment transactions with Canada while retaining its right to take further action’’.

Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito

Sinabi ng Canada nitong nakaraang linggo na ito ay ‘’gravely concerned’’ kaugnay sa pag-aresto sa kababaihan at human rights campaigners sa kaharian, kabilang na ang award-winning gender rights activist na si Samar Badawi.