SA maniwala kayo o hindi, die-hard supporters ng palatuntunang Dr. Love Radio Show sa DZMM ang Asia’s Diva na si Dulce at ang beteranang aktres na si Gina Pareño. Laging ina-acknowledge ni Bro. Jun Banaag ang dalawa sa simula pa lamang ng programa.

Gina copy

Kapag may panahon ay biglang susulpot si Dulce sa programa, at hindi pupuwedeng hindi siya aawit. Ang resulta ay parang may instant mini concert, na lubhang ikinatutuwa ng radio listeners.

Marami ang namamangha sa bonding between Dr. Love at Dulce, gayong magkaiba ang kanilang pananampalataya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maiksi ang paliwanag ni Bro Jun: “Respeto sa isa’t isa. At noon pa man ay tagahanga na ako ni Dulce.”

Sa kaso ni Gina, lumawak ang kaalaman ng aktres tungkol sa doktrina ng Simbahang Katoliko, at hindi na niya itinuturing ang sarili na Katolikong saba. Natuto siyang magnilay at isabuhay ang mga salita ng Diyos.

Kapwa aktibo sina Dulce at Gina sa showbiz. Hindi nawawalan ng project sa telebisyon ang beteranang aktres habang in-demand pa rin sa mga shows here and abroad, si Dulce.

-Remy Umerez