BUMUHOS ang emosyon ng mga nakapanood sa confrontation scene nina Coney Reyes at Alden Richards sa Victor Magtanggol last Thursday evening. Ito ‘yung sinasabi nina Coney at Alden sa press launch nila na dapat abangan sa unang linggo ng serye dahil maraming makaka-relate na mga anak ng mga overseas Filipino workers (OFW) na kinailangang lumabas ng bansa para magtrabaho sukdulang iwan ang pamilya nila sa Pilipinas.

Alden at Coney

“Bago pa kami mag-take ni Alden ng eksena, nag-usap na kami dahil seryoso ang kukunan,” sinabi noon ni Coney sa presscon. “Doon ko nakita kay Alden ang longing niya sa kanyang Mama dahil matagal na ngang wala ang ina niya.”

“Ako rin po naman, parang nakita ko kay Ms. Coney ang Mama ko, kahit iyong mga isinuot niyang damit sa eksena, parang si Mama,” sabi ni Alden. “Kaya talagang nagsisimula pa lamang kaming mag-take, umiiyak na kami pareho.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa story kasi, matagal nang umalis sa bansa si Vivienne (Coney) at nagpunta sa Canada para magtrabaho. Pero pagkatapos noon ay wala nang nabalitaan sina Victor tungkol sa ina, kaya nang ang binata na ang mag-OFW ay sa Canada rin siya nagpunta upang hanapin ang ina.

Laging bigo si Victor sa paghahanap kay Vivienne, hanggang sa na-meet niya si Gwen (Janine Gutierrez), tour guide sa isang travel agency doon at na-trace ng huli kung nasaan si Vivienne through their office records.

Nalungkot si Victor nang makita niyang may alagang matandang may sakit ang ina, pero nanlumo siyang ang nasabing matanda pala ang kinakasama ngayon ni Vivienne. Walang tinanggap na explanation si Victor sa ina kahit sinabi nitong hindi niya kinalimutan ang mga anak at asawang si Tomas (Al Tantay) sa Pilipinas. nito. Sinabi ni Vivienne na nagpapadala siya ng pera sa asawa pero isinasauli ito sa kanya.

Sinumbatan ni Victor ang ina. Sa palagay daw ba ni Vivienne ay sapat na ang perang ipinadadala niya sa kanila. Ang kailangan daw nila ng mga kapatid niya ay ang pagkalinga ng kanilang ina.

Iniwan ni Victor si Vivienne kahit humihingi ng tawad sa kanya. Tumuloy ang eksena na tinawagan si Victor ng mga kapatid, pero nang nangumusta ang mga ito tungkol sa paghahanap ng binata sa kanilang ina ay nagsinungaling si Victor. Hindi niya kayang sabihin sa mga kapatid na nakita niya na si Vivienne pero may kinakasama na itong ibang lalaki.

Sa Twitter, bumuhos ang mga comment ng netizens na nadala raw sila masyado sa eksena nina Coney at Alden, kapwa mahuhusay na dramatic actors.

Napapanood ang Victor Magtanggol gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

-NORA V. CALDERON