ANG ganda ng picture na ito nina Adrian Alandy at Jo Berry na kuha sa pinagtatambalan nilang Onanay. Maganda rin ang caption: “Hindi tangkad o laki ang sukatan ng pagmamahal.”

Adrian at Jo copy

Kakaibang love story ang Onanay, na idinidirehe ni Gina Alajar at magsisimula na ang airing sa Lunes, pagkatapos ng Victor Magtanggol. Ipakikita sa serye na pagdating sa pag-ibig, lahat ay pantay-pantay.

Sa interview kay Jo, sinabi niyang naniniwala siya na may true love sa pagitan ng mga gaya niyang unano at ng may normal na height, dahil nangyari ito mismo sa nanay niya, na normal ang height, na minahal ang tatay niyang unano. Hindi rin daw pabor ang parents ng nanay niya sa tatay niya, pero nanindigan ang mga magulang niya, ipinaglaban ang kanilang relasyon hanggang sa nagkatuluyan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ang lesson ng Onanay ay hindi dapat tingnan ang panlabas na anyo ng isang tao. Mas importante kung ano ang nasa puso at kung ano ang magpapasaya sa ‘yo,” sabi ni Adrian.

Kapwa nagpapasalamat sina Adrian at Jo sa pagkakataong maidirek sila ni Direk Gina at makatrabaho sina Nora Aunor at Cherie Gil, dalawa sa pinakamahuhusay na aktres ng bansa. Nagpapasalamat sina Adrian at Jo na nakasabay naman sila sa husay nina Nora at Cherie.

-Nitz Miralles