STAR-STUDDED ang grand opening ng Estela restaurant ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas Sommereux last July 31, located at Brickroad, Cainta, Rizal, at the back of Sta. Lucia Mall. Dumating sina Judy Ann Santos, Angelou de Leon, Donita Rose, Jason Abalos, Carlo Aquino, at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Ryan copy

Sa umpukan nina Gladys at ng iba pang artista, nagpaunlak ng panayam si Juday. Marami kasi ang nagtataka kung bakit wala sa Eat Bulaga ang husband niyang si Ryan Agoncillo, samantalang nagdiriwang ngayon ng anniversary ang longest-running noontime show.

“The truth is, kailangan niya talagang mag-focus, magbigay ng proper attention sa therapy niya, kasi mabagal ang healing. Eh ‘yung time ng therapy na ibinigay sa kanya ng doctor, ‘yun din ang time niya sa Bulaga,” paliwanag ni Juday.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kung matatandaan, nawala rin si Ryan sa Eat Bulaga late last year dahil inoperahan siya pagkatapos maaksidente sa kanyang motorcycle training.

“He works out at least twice a day, dalawang oras na work out, dalawang oras na therapy.”

Nang tsinek daw kasi ng surgeon ang ginawang operasyon sa tuhod ni Ryan ay nakitang mabagal ang paggaling nito.

“Ang nangyari kasi, after ng surgery niya, after a month, bumalik na rin siya agad sa Eat Bulaga. So, noong nagpa-check-up siya ulit, nakitang hindi masyadong naghi-heal. Kumbaga sa kalendaryo, dapat sa part na ito, magaling na, fully recovered na siya. Hindi pa umaabot sa ganung stage, kasi nga hindi niya natutukan ang therapy niya. So ngayon, ang advice sa kanya is he really needs to put attention.”

Nakakakilos-kilos naman daw at nakakalabas din ng bahay si Ryan, pero hindi raw talaga puwedeng magtrabaho muna ang kanyang mister, ayon kay Juday.

“Nag-focus muna siya sa family. Kasi for the past seven-nine years niya sa Eat Bulaga, most of the time, hindi niya nakikita ang mga bata. Ngayong nagte-therapy siya, parang he took it as a chance na rin to be able to spend time with the children.”

Malinaw naman daw sa Eat Bulaga kung bakit wala ngayon si Ryan sa show.

“May mga bagay naman kasi na hindi na kailangang i-explain dahil, una, hindi naman siya isyu,” ani Juday, at sinabing na-touched ang kanyang pamilya na hinahanap ng ng viewers si Ryan sa noontime show.

“Nakakatuwa naman na nami-miss, nagtatanong sila, concerned sila. Hindi naman namin ide-deny ang fact na napapansin siyang wala sa Bulaga, ibig sabihin, nagma-matter ‘yung presence niya, ‘di ba? Doon alone, nakakataba ng puso,” pagtatapos ni Juday.

-ADOR V. SALUTA