MATAGAL nang pinag-uusapan ang pagkandidato ni Willie Revillame bilang mayor ng Quezon City. Balak yatang sundan ni Willie ang yapak ng kaibigang si incumbent Quezon City Mayor Herbert Bautista, na nasa last term na.

Willie copy

Mas umingay ang posibilidad ng pagsabak ni Willie sa pulitika dahil sa kumalat na video na makikitang kausap ng Wowowin host si Davao City Mayor Sara Duterte nitong July 30.

Sa dulo ng video, makikita ang pagpapakuha ng larawan nina Willie at Mayor Sara sa tabi ng Philippine flag. Pagkatapos, nakasulat sa dulo ng video ang mga salitang “Pag-ibig. Pagmamahal. Pagmamalasakit sa bawat Pilipino.”

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Ang caption ng video: “Duterte. Revillame.”

Si Mayor Sara ang itinuturing ngayong pangunahing may hatak sa mga pulitiko, lalo pa dahil anak siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumalakas din ngayon ang regional party na pinamumunuan ng alkalde, ang Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Komento naman ng kompositor at malapit na kaibigan ni Willie na si Vehnee Saturno: “Tuloy na tuloy na!”

Hudyat na kaya ang nasabing video na matutuloy ang pagkandidato ni Willie bilang mayor ng Quezon City sa mid-term elections next year?

Kung sakali, makakatunggali ng Kapuso TV host ang kasalukuyang vice mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte.

-Ador V. Saluta