SBP, binira ng PSC sa pagatras sa basketball sa Asiad

DISMAYADO si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez sa naging desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na iatras  koponan sa 18th Asian Games na gaganapin sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Jakarta at Palembang sa Indonesia.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ramirez

Ramirez

Sinabi ng PSC chief na walang konsultasyon na ginawa ang SBP, bagkus sariling desisyon ang kanilang pinairal na isang direktang pambabalewala sa responsibilidad ng bansa bilang ‘pioneering member’ sa quadrennial meet.

Iginiit din ni Ramirez na isang sampal sa kakayahan ng Pinoy sa basketball ang pahayag na kakulangan sa paghahanda para maisabak sa Asiad. Matatandaang nasuspinde ng FIBA (International Basketball Federation) ang 10 players ng Gilas Pilipinas matapos ang rambulan sa Australian Boomers sa Asia World qualifying nitong Hulyo 2 sa Philippine Arena.

Ayon kay Ramirez, siksikm liglig at umaapaw ang talento ng Pinoy at ang kahandaang ng PBA na maipahirap ang mga players ay isang positibong aksyon para makabuo ng isang matikas na koponan.

“Noong araw, inaway-away natin yung dating mga opisyal sa Basketball association of the Philippines dahil nagpapadala ng mga team na hindi PBA players. At least kahit natalo yung team, hindi natin hiniya ang international community dahil sumali tayo. Ngayon, andyan ang PBA tapos yaw nating sumali,” sambit ni Ramirez.

"The Philippines is qualified to participate to the Asian Games 2018. It is not true that we don't have outstanding basketball players. Philippines is a basketball country and the mass media and social media are critical of the situation," aniya.

"PBA can help the composition of the team. PSC will support the team," banggit pa ni Ramirez. "Lastly, it is the government, thru PSC are the one funding the Asian Games those who are qualified according to the Asian games Federation (OCA) rules and requirements," dagdag pa ng PSC chief.

Taong 2006 nabigo din ang Pilipinas na makalahok sa Asian Games matapos suspindihin ng FIBA ang bansa sanhi ng kaguluhan sa pagitan ng Basketball Association of the Philippines (BAP) at Philippine Olympic Committee (POC).

-Annie Abad