Pinagbabaril at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang isang barangay chairman na drug surrenderer sa Bauang, La Union, nitong Miyekules ng umaga.

Dead on the spot si Alejo Calica Abuan, Jr., chairman ng Barangay Parian Este, Bauang, La Union, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa inisyal imbestigasyon ng Police Regional Office 1 (PRO1), naganap ang insidente sa Bgy. Nagrebcan, Bauang, bandang 8:30 ng umaga.

Ayon kay PRO1 director, Chief Supt. Romulo Sapitula, sakay si Abuan sa kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga suspek.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa report ng Scene of the Crime Office (SOCO), nakarekober sa pinangyarihan ang limang basyo ng caliber .45 pistol at dalawa bala nito.

Tinutukoy na ng awtoridad ang mga suspek.

-Liezle Basa Iñigo