WELLINGTON (AFP) – Balik trabaho na kahapon ang New Zealand Prime Minister at bagong inang si Jacinda Ardern, ang pangalawang world leader na nanganak habang nasa puwesto matapos ang anim na linggong maternity leave.

Pinili ng 38-anyos na magtrabaho mula sa kanyang bahay sa Auckland hanggang sa weekend kung kailan siya lilipat sa kabiserang Wellington.

Sa Facebook message, sinabi ni Ardern na ‘’really, really well” ang kanyang pamilya. ‘’Life is obviously going to be a little bit different,’’ idinagdag niya habang hinehele ang anak na si Neve.

Binabalak ng partner niyang si Clarke Gayford, host ng isang television fishing show, na maging stay-at-home dad at pangunahing caregiver ng kanilang anak.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Habang ipinahayag ni Ardern ang kanyang pagbubuntis limang buwan bago siya nagsilang, halos walang pinagsabihan si Benazir Bhutto -- ang unang world leader na nagbuntis habang nasa puwesto – na siya ay nagdadalantao hanggang sa isinilang niya ang kanyang anak na babae noong Enero 1990.

Hindi tulad ni Ardern, na nakapag-maternity leave, sumailalim ang Pakistani prime minister sa caesarean section at kaagad ding nagbalik sa trabaho.

Habang nakabakasyon si Ardern, ang kanyang deputy na si Winston Peters ang namuno sa bansa