MALAPIT na palang matapos ang afternoon prime drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Mike Tan, kasama sina Jackie Rice at Martin del Rosario. Maraming bagong shows ang GMA, pero hindi raw isa roon ang ipapalit sa kanila.

Ken copy

Sa isang interview sa Chika Minute, napag-alaman na ang bagong teleserye ipapalit ditto ay may tentative title na My Special Tatay na gagampanan ni Ken Chan. Muling masusubukan ang husay ni Ken sa bagong teleserye. Gumanap noon si Ken bilang isang beki sa Destiny Rose, na siyang dahilan para sumikat siya ng husto, sunod niyang ginawa ay ang romantic-comedy series na Meant To Be, ginampanan naman niya ang isang serious role at ang ending, may kambal na anak pala siya. Pagkatapos nito ay ang kanyang special participation sa katatapos lamang na epidemic serye, ang The Cure.

Ngayon naman ay masusubukan ang kanyang abilidad sa pagganap ng role na may intellectual disability o mental retardation. Para sa kanyang bagong series, kailangan niyang dumaan sa immersion at makihalubilo siya sa mga taong may ganitong sakit.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Matatandaang gumanap si Kris Bernal bilang isang 27 taong gulang na may intellectual disability, sa seryeng Little Nanay.

Sumailalim din noon si Kris sa immersion para maunawaang mabuti ang kanyang karakter. Ano kayang intellectual disability ang ipo-portray ni Ken ngayon?

-Nora V. Calderon