GOMA (Reuters) – Apat katao ang nasuring positibo sa Ebola sa silangan ng Democratic Republic of Congo ilang araw matapos ideklarang tapos na ang isa pang outbreak na pumatay ng 33 katao sa hilagang kanluran, sinabi ng health ministry nitong Miyerkules.

Dalawampung katao na ang namatay sa hemorrhagic fever sa Mangina, isang bayan may 30 kilometro ang layo mula sa timog kanluran ng lungsod ng Beni at 100 km mula sa Ugandan border, ayon sa ministry.

Isang grupo ng 12 eksperto mula sa health ministry ng Congo ang ipinadala sa Beni para magtayo ng mobile lab. Sinimulan na rin ng World Health Organization ang paglilipat ng staff at supplies patungo sa lugar, ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline