HALOS maiyak si Alden Richards nang sinalubong siya ng cast and crew ng Victor Magtanggol ng palakpakan nang dumating siya sa taping ng serye last Monday evening. Iyon ay pagkatapos na mapanood na ang pilot episode ng kanilang action-drama-fantasy series, na nagkaroon ng live viewing si Alden, kasama ang mga fans, sa Le Reve Events Place in Quezon City.

Alden copy

Busy si Alden last Monday, dahil may taping sila ng serye, at nag-attend pa siya ng Eat Bulaga dahil 39th anniversary celebration nilaleading to the 40th year ng longest-running noontime show. Doon ipinakita ng Dabarkads, including Senate President Tito Sotto—na pumunta lang daw sa Broadway para maka-blow ng candle kasama sina Vic Sotto at Joey de Leon ng Tito Vic & Joey—ang suporta nila kay Alden sa napakalaki niyang project.

May extra promotion pa ang EB sa mga manonood ng pilot episode ng serye. Nag-upload sila ng question sa Facebook, at ang makasasagot ay magkakaroon ng minimithi nilang special anniversary T-shirt. At sa lahat ng segment ng show ay laging binabanggit ang Victor Magtanggol, na simula na nga ng airing kinagabihan.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

After EB, balik-taping si Alden bago umalis muli for the live viewing. Doon nagkaroon ng live interview sa kanya sina Iya Villania at Ms. Mel Tiangco para sa 24 Oras.

“Alden sabi ni Maine (Mendoza) willing daw siyang mag-guest sa Victor Magtanggol kung gugustuhin mo,” sabi ni Iya.

“Kung gugustuhin ko. That’s really out of the question. Anytime, bukas na bukas ang Victor Magtanggol para sa kanya,” sabi ni Alden.

“Saka sobrang thankful ako kay Maine for her all out support na pinaramdam niya sa akin throughout this journey. So ang masasabi ko lamang sa kanya, narito rin ako para sa kanya kung anuman ang gagawin niya in the future, solo or kami together.”

Nag-wish naman ng good luck si Ms. Mel kay Alden, dahil based sa full trailer, kitang-kita raw niya ang dedication at hirap ni Alden sa taping ng serye nila.

During the live viewing, inulan ng pagbati at suporta si Alden, partikular na sa Twitter

Tweet ni Maine (@mainedcm): “Congratulations sa dream project, @aldenrichards02! You will always have my support. Best of luck and stay happy!”

Sinagot ito ni Alden: “Maine thank you ng sobra!”

Bumati rin si Dingdong Dantes (@dongdantes): It’s hammer time! Good luck sa pilot mamaya.”

Sagot ni Alden: “Kuya Dong maraming salamat.”

May comment din si Direk Mike Tuviera (@miketuviera): “Always remember @aldenrichards02: To the greatest of wars go the greatest of warriors. Good luck today, brother.” Na sinagot ni Alden ng, “Amen rekdi.!

Napakaraming pagbati ang natanggap ni Alden sa magandang pilot episode na napakabilis ng pacing, at halos naipakilala na ang buong cast.

Bonus pa na habang umeere ang Victor Magtanggol sa GMA 7 ay pataas nang pataas ang Twitter count, na hanggang sa matapos ang airing ay nag-trending ito at number one nationwide sa 1.05 million tweets. Mas mataas ito kaysa katapat nitong FPJ’s Ang Probinsiyano.

Kaya naman labis ang saya at halos maiyak si Alden. Muli siyang nag-imbita sa mga manonood: “Samahan po ninyo gabi-gabi si Victor Magtanggol sa kanyang journey at ang pagiging Hammer Man niya, pagkatapos ng 24 Oras. Maraming-maraming salamat po!”

-NORA CALDERON