PARA kay Coco Martin, wala nang atrasan pa ang muli niyang pagsabak sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon via his entry Jack Em Popoy: Da Puliscredibles, kung saan makakasama niya ang legendary at beteranong komedyante na si Bossing Vic Sotto plus Maine Mendoza.

Jack em Popoy cast

“Na-surprise ako na ang laki pala ng casting namin, sobrang laki po. Honestly parang dalawang mundong pinagsama,” bungad ni Coco sa story conference ng movie nitong Sabado.

Ayon pa kay Coco, siya ang gumawa ng paraan para maisakatuparan ang kanyang pangarap na proyekto.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Honestly po, kinausap ko po si Mr. T (Tony Tuviera), eh ayun nga po hindi ko po kasi alam kung paano makakausap si Bossing (Vic). Actually dati dati ko pa siya gusto makasama sa pelikula,” pahayag ni Coco.

“Nakipag-collaborate po sa ‘min si Mr. Tuviera, nagpalitan po ng kani-kaniyang kuwento para mapaganda ‘yung pelikula, tapos sabi niya kakausapin daw niya si Bossing,” sey pa ng bida ng FPJ’s Ang Probinsiyano.

“Ibang kombinasyon naman, lahat ng makakasama ko taga-Eat Bulaga, tapos si Bossing naman ang mga makakasama niya mga taga-ABS-CBN at Ang Probinsyano kaya ibang-iba ang dynamics na makikita natin,” kuwento pa ni Coco.

-ADOR V. SALUTA