MAGANDA ang paliwanag ni Nathalie Hart kung bakit hindi niya in-announce sa presscon ng Kusina Kings na four months pregnant siya. Nahiya raw siya kina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez dahil pelikula ng dalawa ‘yun, at kung ipinaalam niya sa presscon ang kanyang kalagayan ay baka sa kanya na na-focus ang tanong ng mga reporter.

Nathalie Hart

Hinintay muna ni Nathalie na maipalabas ang Kusina Kings bago niya inaming she’s four months pregnant. Ang daddy ng baby niya ay ang Indian businessman na si Mayank Sharma.

“Right time na naman for me to have a baby ang get married. I’m turning 26 this year and he’s 25. Ibinalita ko agad sa kanya na pregnant ako and he was very happy at happy din ako. Sa January next year ako manganganak,” balita ni Nathalie.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kuwento ni Nathalie, ilang beses siyang nag-pregnancy test, mula sa pinakamura at pinakamahal na pregnancy kit, para lang makasiguro.

“I cried nang ma-confirm na buntis ako at ‘pag baby girl ang baby, Penelope ang gusto kong ipangalan dahil ‘yun ang gustong name ng baby ng biological dad kong namatay na,” patuloy ni Nathalie.

May civil wedding muna sa Australia sina Nathalie at Mayank, at doon na rin siya manganganak. Next year naman ang big Hindu wedding nila sa India.

‘Hindi ko alam kung igi-give up ko ang showbiz career ko. I have nine more movies to do. Tapos ko na ang Bitch Wedding, na showing na sa September, at tapos na rin niya ang Patayin Sa Sindak Si Barbara na showing sa December,” sabi ni Nathalie.

-NITZ MIRALLES