CAMP DIEGO SILANG, La Union – Anim na kabataan ang inaresto sa pagkakasangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP at PDEA sa San Fernando, La Union, nitong Martes.

Kinilala ni La Union police information officer Chief Insp. Silverio Ordinado, Jr. ang mga suspek na sina Stanley Ducusin, 21, ng Barangay Lancuas, na inaresto sa Bgy. 2; Gerald Rilloraza, 22; Gil Garcia, 35; Jose Fontanos, 25; at Randolf Madayag, 29, pawang ng Bgy. Taberna, Bauang, La Union at sila ay inaresto sa Bgy. San Agustin.

Nakumpiska kay Ducusin ang tatlong pakete ng hinihinalang marijuana at P500 buy-bust money, habang nakuha naman sa apat pang suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu at P500 buy-bust money.

Samantala, arestado rin sa operasyon ang tricycle driver na Rey Guzman, nasa hustong gulang.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakumpiska kay Guzman ang dalawang pakete ng pinaniniwalaang shabu at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Erwin Beleo