DAHIL masama ang panahon, madaling magka-lovenat. Para mabilis gumaling, kiss-pirin at yakap-sul lang, sapat na! Kaso lang wala!- Jolo’

Jolo copy

Sa darating na Setyembre ay lilipad si Cavite Vice Governor Jolo Revilla patungong Harvard University, New York, USA para mag-aral ng kursong may kinalaman sa posisyon niya as public servant.

Curious kami kung anong mangyayari sa karakter ni Jolo bilang si Harold Casilag sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinuno ng Presidential Security Command (PSG) ni Rowell Santiago (Oscar Hidalgo), Presidente ng Pilipinas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mamatay kaya si Jolo sa kuwento o palalabasing nagbakasyon lang sa ibang bansa?

Sa huli naming pag-uusap ni Jolo ay tila aabutin siya ng dalawa hanggang tatlong buwan s a N e w York City at isasabay na rin niya ang pahinga.

Anyway, may post si Jolo na naligo sa ulan na tila ay na-miss niya at naaliw kami sa caption ng aktor at pulitiko, “Dahil masama ang panahon, madaling magka-lovenat. Para mabilis gumaling, kiss-pirin at yakap-sul lang, sapat na! Kaso lang wala!”

Ang kaso, walang lovelife si Jolo ngayon kaya ganito ang post niya.

Mahal pa rin ni Jolo ang dating girlfriend na si Jodi Sta. Maria at habang ginagamot niya ang pusong sugatan ay kailangan niyang maging abala sa tapings ng Ang Probinsyano at shootings ng pelikula niyang 72 Hours.

-REGGEE BONOAN