OKAY na ang buhay ni Mona (Jodi Sta. Maria) pagkatapos ng pagdadalamhati niya sa pagkawala ng Tagpuan, dahil kasama niya ang magulang, pero muli naman siyang mapapasok sa gulo, base sa kuwento ng seryeng Sana Dalawa Ang Puso sa ABS-CBN, bago mag-It’s Showtime.

Jodi-Sta-Maria-International-Emmy-Awards-2016-Red-Carpet

Nalaman ni Mr. Supapi (Leo Martinez) kung saan na nakatira si Mona, dahil pinasundan niya sa tauhan niya ang tatay ng dalaga na si Ramon Bulalayao (Edgar Mortiz) pagkagaling sa sabungan.

Nauna rito, nakasagupa na nina Mona at Leo Tabayoyong (Robin Padilla) ang tauhan ni Mr. Supapi nang magkita sila sa sabungan, at hindi pa ipinagtapat ng una ang tunay na dahilan kung bakit siya hinahabol. Sinabi lang niya na may malaki siyang utang. Hindi niya binanggit na kinuha nito ang clutch bag ng sabungero na naglalaman ng mga diyamante.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ang mga nasabing diyamante ay napunta naman sa Nanay Lena (Alma Moreno) niya, na nakuha sa gamit ng asawang si Ramon. Inakala ni Lena na mga Swarovski iyon na puwedeng gamitin sa pananahi.

Bumalik naman sa pagiging agent si Leo para alamin kung bakit hinahabol ng sindikato si Mona, at kung ano ang kinalaman niya rito, na hindi naman sinasabi sa asawang si Liza (Jodi).

Ano naman ang kaugnayan ni Sandra Tan (Irma Adlawan) sa ama ni Lisa na si Juancho Laureano (Christopher de Leon)? Nang magkita sila sa opisina para dalawin ang anak ay nagkatitigan sila na hindi napansin ng asawa ni Leo.

Anyway, hindi pa rin okay sina Mona at Martin (Richard Yap), dahil akala ng huli ay galit pa rin sa kanya ang dalaga.

Abangan sa Sana Dalawa Ang Puso kung ano kaya ang mararamdaman ni Leo kapag nalaman niyang may kinuhang bagay si Mona kay Mr. Supapi na hindi ipinaalam sa kanya.

-Reggee Bonoan