NAMATAAN namin si Michael Pangilinan sa premiere night ng The Lease sa SM Megamall Cinema 7 nitong Martes, kaya hindi totoong hiwalay na sila ng kasintahan niyang si Garie Concepcion, na bida sa pelikula.

garrie n ruben

Kaagad na tinanong si Garie sa tsikang hiwalay na sila ni Michael.

“We are okay, hindi naman siya pupunta rito kung hindi, ‘di ba?” sabi ni Garie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Unang pelikula ni Garie ang The Lease, kaya naman sobrang saya niya dahil pangarap niyang magkapelikula, at ang maganda pa ay intended for an international release ang nasabing movie.

“Nakakakaba. I studied the role, ayaw kong mapahiya. This is a dream come true,” ani Garie.

Psycho-thriller ang The Lease, na idinirek ng Italian director na si Paolo Bertola para sa Utmost Creatives, at isinulat naman ni Mario Gatdula Alaman. Gagampanan ni Garie ang papel ng asawa ng Italian actor/director na si Ruben Maria Soriquez, na nakapangasawa ng Pinay.

Ayon kay Ruben, gusto niya uling makatrabaho si Garie.

“She is professional, magaan katrabaho, at mahusay!”

Say naman ni Garie sa leading man niya: “He’s is nice, great! And very professional!”

Wish namin na sana ay mapabilang na rin si Garie sa mga pelikula ng Viva Films, Star Cinema, at Regal Films dahil marunong naman siyang umarte.

Napanood namin siya sa La Luna Sangre, na sa simula ay walang dialogue. Pero kalaunan ay binigyan na rin, dahil nakitaang may ibubuga sa pag-arte ang anak ni Gabby Concepcion at sister ni KC.

Mapapanood na ang The Lease sa Miyerkules, Hulyo 25.

-Reggee Bonoan