NAGSALITA na si Shawn Mendes tungkol sa engagement ng modelong si Hailey Baldwin, na umano’y kanyang ex-girlfriend, kay Justin Bieber.

Shawn at Hailey copy

Ayon sa Entertainment Tonight, nagsimulang pag-usapan ang namamagitan sa dalawang singer nang dumalo si Shawn sa Met Gala, kasama si Hailey, bago pa man magsimula ang relasyon ng huli kay Justin.

“I texted Hailey the day of and I said congrats. That’s what it is,” sabi ni Shawn kay Dave Thornton sa isang sit-down interview sa Australian show na The Project. “Everybody wants there to be more—there’s not.”

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Pinuri pa ni Shawn, na mula rin sa Canada, ang What Do You Mean singer, at sinabing, “Bieber was a massive influence for me growing up.”

Ilang buwan ding pinag-usapan ang umano’y relasyon nina Shawn at Hailey. Noong Oktubre, namataan ang dalawang magkasama at magkahawak ang kamay sa Halloween bash sa West Hollywood, California.

Kasunod ng kanilang appearance sa Met, inihayag ni Shawn sa People na “friends”sila at hiniling na magkasamang dumalo sa okasyon sa Tommy Hilfiger event.

Samantala, ginulat naman nina Justin at Hailey ang fans sa kanilang engagement sa Bahamas noong Hulyo 7, dalawang buwan lamang mula nang magkabalikan sila. Kinumpirma ng couple ang kanilang engagement nitong nakaraang linggo. Ipinagmalaki pa nga ni Justin ang kanyang fiancée sa kanyang Instagram account.

“Hailey I’m soooo in love with everything about you!” post niya. “So committed to spending my life getting to know every single part of you loving you patiently and kindly.”

Nitong nakaraang linggo, isiniwalat ni Kim Basinger, na ex-wife ng tiyuhin ni Hailey na si Alec Baldwin, at ina ng pinsan niyang si Ireland Baldwin, na napili na ng newly engaged couple ang venue ng kanilang bridal party.

“Oh, it’ll be fun,” sabi ni Kim sa Us Weekly para sa kasal ng dalawa. “[Hailey’s sister], Alaia, and Ireland, they’re in the wedding. So, believe me… it’s cool!”

“I think it’s sweet. It’s a very sweet thing. Happiness… We’re living in some really dire times right now,” dagdag pa niya. “I’m very, very happy for Hailey. I think it’s a good thing.”