SA media conference ng pelikulang Pinay Beauty (She’s No White), na isa sa official entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), na tinatampukan nina Edgar Allan Guzman, Chai Fonacier at Maxine Medina, sa umpisa ay nakaiwas si Maxine na sagutin ang personal question tungkol sa breakup nila ng modelong si Marx Topacio.

Marx and Maxine

Mas ginusto niyang pag-usapan ang character niya sa bago niyang pelikula.

“Mas challenging po kasi ang role ko rito sa movie,” sabi ni Maxine. “Total opposite ng character na ginampanan ko sa first movie ko na Spirit of the Glass 2. Palaban po ako lagi, at lagi rin akong galit, kaya talaga pong medyo nahirapan akong i-portray ito.”

Bruno Mars, napansin kalokalike niya sa 'It's Showtime'

Naka-relate naman si Maxine sa role niya dahil dati nga siyang beauty queen. Sa story na isinula nina Allan Habon at Rod Marmol, sumali si Chai sa isang beauty contest.

Pero after the media conference, hindi na nakatanggi si Maxine na sagutin ang tungkol sa breakup niya sa ex-boyfriend na niya ngayon.

Walang detalyeng sinabi si Maxine kung ano ang reason ng breakup, at iginiit na kay God lang at sa kanyang work siya naka-focus ngayon.

“Siguro po, bukod kay God, dapat pareho rin kayo ng wavelength ng boyfriend mo. Sa ngayon po, gusto ko munang bigyan ng time ang work ko dahil dumarating po ang mga offers, at masaya po ako na nakasama ako rito sa Pinay Beauty (She’s No White). Masaya ang working relationship namin ng mga co-stars ko at masaya at pa-good vibes ang story na ibibigay namin sa inyo, simula po sa August 15-21.”

Nilinaw ni Maxine na wala namang third party sa breakup, at open pa rin naman siya kung muli silang magkabalikan ni Marx, dahil may communication naman sila. Pero sa ngayon, pareho raw silang busy at maraming ginagawa kaya, kanya-kanya muna sila.

Ang Pinay Beauty (She’s No White) ay sa direksiyon ni Jay Abello, at produced ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, MJM Productions, at Epic Media.

-Nora V. Calderon