MAYROONG bagong TV at movie deal sina Tommy, Chuckie at ang buong gang. Inihayag ng Nickelodeon at Paramount Pictures na magbabalik ang animated children’s series na Rugrats sa network, at mayroon itong 26 na episode. Ang mga creator ng series ang magiging executive producers.

Isang eksena sa 'Rugrats' copy

Nakatakda namang ipalabas ang live-action movie ng series, na isinulat ni David Goodman, tampok ang computer-generated character, sa mga sinehan sa Nobyembre 2020.

Umere ang Rugrats sa Nickelodeon simula 1991 hanggang 2004, na nakatuon sa imaginative lives ng mga batang sina Tommy, Chuckie, ang kambal na sina Phil at Lil, at si Angelica.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Sa isang pahayag, inihayag ng Nickelodeon interim president at Viacom Media Networks COO na si Sarah Levy na, “What was true in 1991 when the original show premiered is still true today: kids are fascinated with the world of babies.”

Associated Press