PATI ang ama ni Paul Salas na si Jim Salas ay naba-bash dahil sa quotation card post.

barbie

Nakasaad sa post: “Don’t play the victim to circumstances you created”, at sinundan niya ito ng comment na “GOD KNOWS.”

May kinaalaman ang post ni Jim sa isyung sinaktan daw ng anak niyang si Paul ang ex-GF nitong si Barbie Imperial. Nauna rito, ipinost ni Barbie ang photos niya na may mga pasa, galos at namumula pa ang area na umano’y tinamaan nang sinasabing pananakit ni Paul sa kanya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dinelete na ni Barbie ang ipinost niya, pero marami na ang nakakita.

Hindi pa nagsasalita si Paul sa isyu, pero ilang kaibigan niya ang nagtanggol sa kanya, at nitong huli nga ay mismong ang ama na niyang si Jim ang nag-react sa isyu.

Sinugod na rin si Paul ng fans sa Instagram account niya at inaaway. May nagagalit, may minumura siya, at may mga nagtatanong ng “Bakit ka nananakit ng babae?”

Siguradong nabasa ni Paul ang comments. Ano kaya ang pumapasok sa isip niya?

-Nitz Miralles