“KUNG dati ang pinag-aawayan nila ay kung sino ang star ng GMA, ngayon ang pag-aawayan nila ako.”

Dingdong

Ito ang biro ni Vice Ganda nang makatsikahan namin siya kasama ang internal media ng ABS-CBN pagkatapos ng storycon ng pelikulang entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

Sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes ang tinutukoy ni Vice, dahil pareho niyang leading man ang dalawang aktor sa pelikulang Fantastica, sa direksiyon ni Barry Gonzalez.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

“Tinanong kasi nila (Star Cinema) kung sino mga gusto kong makasama this time, eh, siyempre kinapalan ko na ang mukha ko. Sa rami na rin naman ng mga nakasama ko, siyempre nagkakaubusan na rin.

“Humiling ako ng dalawa, eh, ibinigay naman. Meron akong Richard Gutierrez at Dingdong Dantes this year.

“Si Richard kasi magkaibigan kami, magkumpare kami, kaya nakakausap ko siya. Si Dong naman nagkakabiruan na ‘gawa naman tayong movie,’ tapos nakausap ko si Perry (Lansigan, manager ng aktor). Nilambing-lambing ko rin si Perry, ganyan. Tapos ibinato ko Star, sabi ko kausapin nga ‘yung dalawa kung puwede ko silang makasama, eh, gumo kaya ang saya. First time magkakasama nu’ng dalawa at ako ang kasama nila kaya exciting lalo,” mahabang kuwento ni Vice.

“Sabi nila (Richard at Dingdong), ‘first time naming gagawa ng comedy talaga tapos kasama ka pa namin, tulung-tulong tayo,” dagdag pa ni Vice.

May kissing scene ba si Vice sa dalawang leading man niya?

“Oo, para may abangan din tayong sapak kay Tita Annabelle (Rama) at kay Marian (Rivera),” tumawang sabi ni Vice, na ikinatawa rin ng lahat. “Kasi pambata ‘yung pelikula kaya hindi naman puwede.”

H i r i t n a m i n : P u w e d e n g s m a c k ? “Ipu-push ko ‘yung smack. Ha, ha, ha. Okay na ako sa yakapan,” tumatawang sagot ni Vice.

Noong isang taon ay umabot sa P700 milyon ang kinita ng Gandarappido: The Revengers. Ano naman ang ine-expect ni Vice sa Fantastica.

“Tinanong nga nila (Star Cinema) ako, sabi ko P900 milyon, kaya i-push natin ‘yan,” tumatawang sabi ni Vice.

Nabanggit kasi na medyo mahal ang talent fee ng dalawa niyang leading man, kaya sinabi niya na makaka-P900M naman ang Fantastica kaya pumayag kunin sina Dingdong at Richard.

Samantala, nabanggit na ang mga kakumpetensiya ni Vice sa MMFF 2018 ay sina Coco Martin, kasama si Vic Sotto para sa Popoy en Jack: The Pulisincredibles; at si Anne Curtis sa Aurora.

“Ang saya nga kasi magkakaibigan kaming pumasok ang mga entries namin. Ang saya ng float, magkakawayan kaming lahat,”masayang sabi ng TV host/actor.

Binanggit namin na bago ang direktor niyang si Barry Gonzalez, na matagal na pala niyang kakilala.

“Si Barry ang magdidirek sa akin. Nakatrabaho ko na siya, kasi assistant director ko siya rati kay Direk Wenn Deramas sa mga pelikula ko, kaya magkagamay na magkagamay na kami. Kaya nu’ng binanggit na si Barry ang direktor ko, okay kaagad ako. Kasi alam na niya ‘yung mga ganap ko sa pelikula, kasi sa pelikula naman AD (assistant director) halos ang katiktakan (kausap), dahil ‘yung direktor nasa booth kaya siya (AD) lagi ang kasama ko sa set.

“Pero si Direk Joyce (Bernal) pa rin ang creative consultant namin at siya pa rin ang mag-e-edit at saka si Moira (Lang). May inputs din ako sa pelikula, kasi nire-require nila (Star Cinema) ako parati,” pahayag ni Vice.

Kung walang pagbabago ay sa Hulyo 17, Martes na ang first shooting day ng Fantastica ni Vice, kasama ang Maymay Entrata-Edward Barbers love team, Kisses Delavin-Donny Pangilinan love team, sina Chocolate, Bela Padilla, Jacklyn Jose at marami pang iba.

-REGGEE BONOAN