LONDON (AP) — Aminado si Novak Djokovic na may agam-agam. Maging ang kanyang coach ay may alinlangan.

Kaya pa ba niyang makabalik sa aktibong kompetisyon? Makakatungtong pa ba siya sa Grand Slam Finals matapos sumailalim sa surgery ang napinsalang kanang siko?

Nitong Linggo (Lunes sa Manila), higit pa ang natamong kasagutan ng Serbian star.

Nakamit ni Djokovic ang ika-apat na Wimbledon champion nang gapiin si Kevin Anderson, 6-2, 6-2, 7-6 (3).

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

“There were several moments where I was frustrated and questioning whether I can get back (to the) desired level or not. But that makes this whole journey even more special for me,” pahayag ni Djokovic.

“It’s easy to talk now and look back at it and be kind of grateful, but I really am grateful to go through this kind of, so to say, mixed emotions, turbulences as well, mentally, moments of doubt and disappointment and frustration, anger,” aniya.

Sa kabuuan ng career, ito ang ika-13 major title ni Djokovic para maging ika-apat sa listahan ng pinakamaraming Grand Slam title sa kasaysayan ng men’s tennis sa likod nina Roger Federer (20), Rafael Nadal (17) at childhood idol niyang si Pete Sampras (14).

Ay ito ang kauna-unahan kay Djokovic mulang nang magwagi sa 2016 French Open.

“It was a long journey,” sambit ng 31-anyos na Serbia. “I couldn’t pick a better place, to be honest, in the tennis world to peak and to make a comeback.”

Sa 2016 season sa All England Club, napilitan si Djokovic na umatras sa kanyang quarterfinal match bunsod ng injury sa siko at nagdesisyon na magpahinga sa sumunod na taon