NEW YORK (AP) — Kabilang ang 1971 NBA championship ring ni Oscar Robertson sa mga kagamitan ng basketball Hall of Famer na isasalang sa auctioned.

Kasama rin sa mabibili ang Naismith Memorial Basketball Hall of Fame ring at induction trophy ni Tobertson, gayundin ang 11 NBA All-Star rings at suot na jerseys sa Milwaukee Bucks at University of Cincinnati sa Lelands.com 2018 Invitational Auction.

Sa pahayag nitong Linggo (Lunes sa Manila), bawat gamit sa 51 kagamitan ni Robertson, kabilang ang 1956 Indiana high school basketball championship ring at 1958-59 college player of the year award, ay may lagda ni Robertson, pinagkalooban ng NBA’s Lifetime Achievement Award kamakailan.

Tatakbo ang auction hanggang Aug. 17 at makikita ang kailangang impormasyon sa www.Lelands.com.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA