THIRD anniversary na today, July 16, 2018, ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, and for the last three years, wala pa ring makatibag sa popularity ng kanilang love team na nagsimula nang una silang nagkita—on split-screen—sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Alden & Maine 2015

July 16, 2015. Si Alden ay nasa Broadway studio, habang nasa barangay naman si Maine bilang Yaya Dub, kasama ang triplets na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Tinidora (Jose Manalo). That day, hindi napigilan ng masungit at hindi nagsasalitang si Yaya Dub ang mapangiti nang makita sa screen si Alden.

Hindi malilimutan ang 41million tweets nila sa Guinness World Record para sa “Tamang Panahon” nila sa Philippine Arena, at wala pa ring nakatatalo hanggang ngayon sa nasabing record. And the rest is history na para sa AlDub love team.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya nga ba may mga nagsasabi na hanggang ngayon ay ang AlDub pa rin ang biggest nightmare ng isang network?

Marami na ring pinagdaanan ang magka-love team, gaya ng mga bashing na natatanggap nila sa mga ayaw silang patahimikin. Pero hindi na lang pinapansin nina Alden at Maine ang mga ito. Ginagawa lang nila ang lahat para mapasaya ang kanilang mga fans. Suportado rin sila ng JoWaPao at ng mga Dabarkads ng EB.

And to make their 3rd anniversary special, nakabalik na si Alden mula sa taping niya ng Victor Magtanggol abroad, sa labis na kasiyahan ng AlDub Nation (ADN). May special Holy Mass sila at 8:00 am today para kina Alden at Maine, to be officiated by Fr. Jeff Quintela, na malaki rin ang kaugnayan sa AlDub at ADN.

Ano naman kaya ang special celebration na inihanda ng Eat Bulaga para sa ADN?

Congratulations and happy 3rd anniversary to Alden and Maine!

-NORA V. CALDERON