FAST-PACED at pasado sa international standards ang trailer ng action-packed movie na Buy Bust. Napaka-timely ng title, dahil everyday ay laman ng news ang salitang buy-bust, o ang operasyon ng anti-drug operatives kaugnay ng war on drugs ng gobyerno.

Anne copy

Ang Buy Bust ay joint production ng Viva Films at Reality Entertainment, starring Anne Curtis at ang martial arts champ na si Brandon Vera, sa direksiyon ni Erik Matti.

Magkatulong ang XYZ Films at Well Go USA sa pagre-release ng Buy Bust sa mga sinehan sa United States of America at sa North America. Ang Wells Go ang distributor ng international hit na Train to Busan, starring Korean superstar Gong Yoo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May teaser pa nga si Dylan Marchetti, senior vice president ng Well Go USA, tungkol sa pelikula: “If you lose your mind for an amazing action film, the last hour of Buy Bust is going to blow your head clean off.”

Tampok din ang Buy Bust sa 21st annual Superhero Kung Fu Extravaganza sa San Diego sa July 19. May premiere night naman ang pelikula sa Canada sa July 18.

Buy Bust will also be shown in the Middle East, Hong Kong and Singapore soon.

Umiikot ang istorya ng Buy Bust sa isang special force team, na ang misyon ay sugpuin ang isang drug den

-REMY UMEREZ