MABUTI at hindi pikon si Rhian Ramos. Hindi siya nagalit at hindi pinatulan ang nag-comment sa Instagram niya na nagmukhang straight daw ang katawan niya sa suot na gown, nang mag-host sa 2nd EDDYS Awards nitong Linggo.

Rhian copy

Sabi ng follower ni Rhian na may handle na @lolamaja.dera: “Apo, naaalala ko yung pantalon ng anak ko sayo...straight cut.”

Sumagot si Rhian: “@lolamaja.dera God gave me what he gave me, and I can either have ribs removed or just be me.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kung may pumuna na walang curves ang katawan ni Rhian, mas marami ang nagtanggol sa kanya. Pinayuhan siyang dedmahin ang nag-comment, dahil insecure lang umano ito. In fact, fitspiration si Rhian ng marami dahil alaga ang katawan at hindi niya hinahayaang tumaba siya.

May nagbigay din naman ng constructive criticism kay Rhian; hind raw talaga bagay sa kanya ang suot na gown, hindi lumabas ang kaseksihan niya, at hindi maintindihan ang concept ng gown.

Samantala, parang hindi dumaan sa heartbreak si Rhian, Maganda at blooming siya ngayon. Parang ang bilis niyang nakapag-move on sa break-up nila ng boyfriend niya for three years. Parang hindi kapani-paniwala ang sinabi niyang mahal na mahal pa rin niya ang ex-boyfriend, dahil kung totoo ‘yun, hindi sila magbe-break.

Nakatulong siguro para mabilis makapag-move on si Rhian na busy siya sa maraming projects.

Katatapos lang niyang gawin ang 72 Hours ng Imus Productions, katambal si Cavite Vice Governor Jolo Revilla. May gagawin siyang pelikula kasama si JM de Guzman, under TBA and Arkeo Films.

“Shana (name of her character) is serious about our look test for a new film with #TBA and #Arkeo. Really thrilled for this project and this character. Thank you, Lord,” post ni Rhian

-NITZ MIRALLES