ISANG araw pa lang ang pagiging mag-boyfriend at girlfriend nina Martin (Richard Yap) at Mona (Jodi Sta. Maria) pero matinding LQ na kaagad ang kanilang hinaharap sa Sana Dalawa Ang Puso.

Richard, left lang po copy

Matapos magkaaminan sa kanilang nararamdaman para sa isa’t isa, agad namang hahamunin ng isang malaking dagok ang kanilang relasyon lalo pa at madadamay dito ang pamilya ni Mona.

Ito ay matapos malaman ni Mona na nabili ng kumpanya ni Martin ang Tagpuan, ang gusaling nagsilbi nang tahanan ng pamilya ng dalaga at nakatakda itong gibain dahil sa napipintong pagpapatayo ng resort dito.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sinubukang gawan ni Martin ng solusyon ang problema, ngunit mainit at tensyonado ang naging sunod na pagkikita ng “mag-hon” dahil nangyari ito sa kalagitnaan mismo ng paggiba sa Tagpuan.

Hindi lang ang pagkawala ng kanilang tirahan ang kailangan nilang harapin dahil dadagdag pa sa gulo ang biglaang pagpanaw ni Mommyla (Pilita Corales).

Kakayanin kaya ng bagong magkarelasyon ang pagsubok na ito at ang mga susunod pang trahedya na kanilang haharapin?

Abangan ang mga susunod na pangyayari sa Sana Dalawa Ang Puso araw-araw bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.