SA nakaraang pocket interview kina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa pelikulang I Love You, Hater ay natanong ang dalawa kung ano ang pinaka-hate nila pero love pa rin nila sa isa’t isa.

Joshua copy

“Si Josh kasi mahilig mangulit, pero maganda rin ‘yung may nangungulit. Pero minsan kasi kapag wala kang tulog, pagod na pagod ka alam mo ‘yun? Pero in-embrace ko na ‘yun, kasi hindi naman siya talaga makulit as a person. Sa akin lang talaga siya makulit.

“Ako kasi kapag sinabi kong tama na (makulit), tama na. Hindi ako ‘yung tipo na secretly gusto ko pa. So, ‘yun ‘yung medyo hindi naman hate, kundi tama na, ‘wag mo na masyadong i-push.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Pero hinahanap ko kasi kapag may eksena akong kukunan that day, walang nangungulit, boring pala. So, nakaka-miss ‘yun ‘yung na-accept ko na, in-embrace at ni-love.”

Para kay Josh, ano ang hate pero love pa rin niya kay Julia?“Pagiging moody lang, pero love ko ‘yan!”

“Kasi nga mahilig mangulit, tapos kapag nagalit ako, magtatampo siya bakit ako nagalit. Pero kasalanan naman niya, kaya doon talaga. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar,” ‘tila batang nagsusumbong na sabi ni Julia.

Paano kapag nagtampo na si Julia?“Ang maganda kasi kay Joshua kapag nagsabi ako ng mga tampo ko, sinasabi ko lahat, isa-isa at hindi ‘yan kumikibo at tahimik lang siya. So, ‘pag tahimik siya, parang napu-frustrate ako. Parang ako na lang, salita nang salita? After kong sabihin lahat, in fairness nakikinig pala siya at isa-isa niyang iso-sorry one by one, so it’s sorry na hindi bumigay (makipagbati), girl ako, eh. In fairness, he’s a good listener.”

Hindi raw mahilig magregalo si Joshua, dahil idinadaan lagi ng binata sa dinner. Pero kung may regalo ay mas maganda, sabi ni Julia.

Samantala, hiningan ng komento ang dalawang batang artista kung ano ang advise sa kanila ni Kris Aquino na kasama nila sa pelikula.

Sobrang appreciated ng JoshLia ang mga payo sa kanila ng social media influencer.

“Si Tita Kris kasi, nakikita niya kami na nagsisigue-sigue sa work. She always reminds us na to really be careful. Huwag isa-sacrifice ang health kasi sisingilin ka talaga when the time comes. Gina-guide din niya kami kapag nasa set na, kapag take na. Pero si Josh talaga ‘yung pinapayuhan niya, lalo na sa mga interview, kung paano sasagot, kung paano ‘yung tamang pagharap sa press,” kuwento ni Julia.

Kuwento naman ni Joshua: “Kapag kausap namin si Tita Kris, marami siyang ina-advice, kasama na po ‘yung sa personal life, sa trabaho.”

Sinabihan din sila na hanggang may offer ay i-grab nila ito dahil hindi habambuhay ang showbiz.

“Lagi niyang sinasabi sa amin na hangga’t nandito pa kami, dapat maging open kami sa lahat ng opportunities, and do good na, work hard na. Kumbaga, strike while the iron is hot. So, it’s better to be busy and tired and walang tulog, kesa sa walang ginagawa,” say pa ni Julia.

Samantala, mapapanood na ang I Love You, Hater sa Hulyo 11, na idinirihe ni Giselle Andres mula sa Star Cinema. May premiere night ito sa Hulyo 10 sa SM Megamall Cinema 7.

-REGGEE BONOAN