“MEKANIKO, driver, kusinero, ako po si Joaquin Espiritu sa #KapagNahatiAngPuso,” post ni Benjamin Alves sa kanyang Instagram wall tungkol sa bago niyang morning teleserye na mapapanood simula Hulyo 16, ganap na 11:30 ng umaga sa GMA 7.

Benjamin

“Dito po sa bago kong role, madalas po akong shirtless dahil nga sa character ko,” kuwento ni Benx sa media conference. “Noong una po naging akward ang feeling ko nang pinagluto nila ako na shirtless. Binigyan nila ako ng apron, pero tinanggal ko rin dahil kailangan daw makita ang abs ko. Pinaghandaan ko naman po muna ang role ko kaya nag-work out ako para maging physically fit bago kami nagsimula ng taping. Kailangan ko pong i-maintain iyon para sa character ko.”

May bed scene ba sila rito ni Sunshine Cruz na magiging karelasyon niya sa story?

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Hindi ko po alam kung papayagan kami dahil nga maaga ang airing namin. Saka kung papayag po si Ms. Sunshine, ako naman okay lang sa akin basta po kailangan sa story, gagawin ko.”

Inamin ni Benx na medyo kinabahan siya nang pinag-topless siya ni Direk Gil Tejada sa screen test nila. “Mag-expect na raw ako ng isang mature role, iba-ibang level, dahil magiging girlfriend ko nga si Bea (Binene) at karelasyon ko si Ms. Sunshine. Anak ako ng driver ni Ms. Sunshine kaya kami nagkakilala. Mapapanood ninyo kung paano naman kami nagkakilala ni Bea. Sana po ay suportahan ninyo kami.”

Sinagot din ni Benx ang tanong tungkol sa relasyon nila ng girlfriend na si Julie Anne San Jose. Naipakilala na raw niya si Julie Anne nang umuwi sa bansa ang parents niya. Iyon daw ang pinakahihintay niya, ang makilala ng parents niya si Julie Anne.

“Siguro, iyon na ang sign ng pagiging seryoso mo sa girlfriend mo kapag ipinakilala mo na siya nang personal sa parents mo. At nagustuhan nila si Julie, at ngayon, siya na ang madalas kausap ng mom ko. I feel vindicated na rin dahil madalas akong bina-bash ng mga netizens dahil hindi raw naman ako seryoso kay Julie.”

-NORA V. CALDERON