SA November ay 21 years old na ang dating StarStruck Kid na si Bea Binene, pero mukha pa rin siyang baby girl. Siguro dahil na rin sa height niya.

Bea at Sunshine

Nakagawa na rin si Bea ng maraming teleserye, pero ngayon lang siya gaganap sa may pagka-mature na role. Ready na ba siya to play the role of Claire sa new morning family-drama na Kapag Nahati ang Puso? Sa serye ay makikipag-agawan siya sa isang lalaki, laban sa mismong tunay niyang ina, na gagampanan naman ni Sunshine Cruz.

“First mature role ko nga po itong sa Kapag Nahati Ang Puso,” sagot ni Bea. “Thankful po ako for the opportunity na ibinigay sa akin ng GMA.

Jomari Yllana, natapos na sa master's degree; Abby Viduya, super proud sa mister

“Nagsimula po ako nang sumali sa StarStruck Kids, naging tween star, nag-evolve ang mga roles na ginampanan ko, at ngayon tinanggap ko ang challenge na ito sa akin ng GMA.

“Nang malaman ko po ang role ko rito, nag-workshop na ako. Inaral ko na ang script at na-challenged din ako na magpapayat, dahil tingnan naman ninyo ang nanay ko rito, si Ms. Sunshine, napaka-sexy niya.

“Alam ko pong magagampanan ko ang role ko, dahil bukod kina Ms. Sunshine at Ms. Bing (Loyzaga), si Tito Zoren (Legaspi), [andyan] ang director namin, si Direk Gil Tejada, na magga-guide sa akin dito.”

Sa serye, si Bea ay si Claire na lumaking ang kilalang parents ay sina Nico (Zoren) at Miranda (Bing). Hindi niya alam kung sino ang tunay niyang mga magulang, hanggang sa magkrus ang landas nila ng tunay niyang ina, ang mahusay na fashion designer na si Rio (Sunshine).

Pagbalik ni Rio sa Pilipinas ay matagumpay na siyang designer at magkakakilala sila ni Claire, na gustong maging katulad niya, at willing naman siyang turuan ang dalaga.

Malalaman kaya nila ang totoo nilang pagkatao, lalo na noong pareho silang na-in love sa isang lalaki, kay Joaquin (Benjamin Alves)? Sino sa kanila ay magpaparaya?

Sa direksiyon ni Gil Tejada Jr., mapapanood na ang pilot episode ng Kapag Nahati Ang Puso sa Monday, July 16, 11:30am, bago ang Eat Bulaga, sa GMA-7.

-NORA V. CALDERON