SA second teaser ng Victor Magtanggol, napanood na si Andrea Torres, at gaya ng bidang si Alden Richards, naka-costume rin ang aktres, at ‘tila nakikipaglaban.

Alden at Andrea copy

Nabanggit na ang role ni Andrea, pero bawal pang isulat , kaya hintayin na lang natin ang announcement ng GMA-7.

Sa ngayon, may mga namba-bash na kay Andrea dahil kasama siya ni Alden sa Victor Magtanggol, pero deadma ang aktres at focused lang sa trabaho.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi na rin sinagot ni Andrea ang tanong kung kay Alden ang kamay na nakita sa bathtub scene niya.

May gumawa pa nga ng kuwento na laging magkadikit sina Alden at Andrea sa taping at nagkukulong pa raw sa tent, bukod pa sa nakita pa raw na nagbibihis, na parang may gustong palabasin.

Kaso, walang naniniwala sa tsikang ito at pinagtatawanan lang ng mga nakabasa at tiyak na pagtatawanan ng production. Nakapunta na ba ng taping ang source ng tsismis na ito at nakita na ang tent na ginagawang standy area ng mga artista? Open ‘yun, walang kandado at madalas, share ng tent ang mga artista.

Anyway, napanood din sa second teaser si Coney Reyes, na umaming kaya niya tinanggap ang Victor Magtanggol ay para makatrabaho si Alden.

May eksena na rin ang child star na si Yuan “Pao Pao” Francisco, at si Pancho Magno.

Marami pang makakasama si Alden, inuunti-unti lang ang pagpapakilala sa kanila hanggang sa premiere ng fantaserye this July. Matutuwa at magugulat kayo sa iba pang kasama sa cast.

-Nitz Miralles