IPINAGTANGGOL ng kanyang mga fans si Thea Tolentino kaugnay ng sinasabing sex video scandal daw ng aktres.

Thea Tolentino copy

Ito ay bago pa man siya nagpa-interview kay Nelson Canlas sa “Chika Minute” ng 24Oras ng GMA-7.

Mariing itinanggi ng Kapuso actress na siya ang babae sa kumakalat na video. Halata raw namang hindi siya iyon kaya nga sinagot niya ang isang basher.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sabi ng basher: “Thea ang ganda-ganda mo ta’s may video ka....”

Sagot ni Thea: “Naniniwala kayo at troll ka. Sad.”

Kaya ang fans niya ang nag-post sa comment section ng Instagram niya: Sabi ni @crissaaiii: “Hi Thea! I love u! Naniniwala akong hindi ikaw yun. At yung mga nagsasabing ikaw yun means hindi ka talaga nila kilala. Be strong! Marami kaming naniniwala at nagmamahal sa ‘yo!”

Komento naman ni @imrizzaheart: “Hindi naman siya yun, layo naman itsura nila eh, jusko naman po.”Sey ni @jhe_alegro: “Mga bashers, mapapahiya kayo kapag nalaman nyo yung totoo!”

Depensa naman ni @yan112597: “Tao din naman siya napapagod magexplain sa inyo. So bahala na kayo kung ayaw maniwala ng iba. So stop spreading fake news! Mga tao talaga ngayon eh iba, hindi naman pinapakialaman ni Thea buhay nyo!”

Back to work na si Thea after niyang mapahinga nang ilang buwan nang makumpleto na ang Haplos nila ni Sanya Lopez.

Marami ngayong sisimulang teleserye ang GMA para sa last quarter of 2018, at isa na rito ang The Betrayed Wife, na makakasama ni Thea si Kris Bernal. Tiyak na puno ng maiinit na eksena ang serye. Pero sino kaya ang betrayed wife?

Madalas na gumanap na kontrabida si Thea, kaya hindi problema sa kanya kung kontrabida siya muli. Si Kris, naranasan na rin niyang maging kontrabida nang gampanan niya ang dual role sa Impostora, na pareho niyang ginampanan ang bida at kontrabida. Kaya kaabang-abang ang pagsasama nila ni Thea, dahil pareho silang mahuhusay na aktres.

-NORA V. CALDERON