KINILIG na naman ang fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa napanood na video nila sa launching ng denim jeans collaboration nina Matteo at Avel Bacudio, na tinawag na AvelxMatteo.

Sarah & Matteo copy

Present si Sarah sa event, at may video na nang ma g k i t a s i n a Ma t t e o a t S a r a h a y humalik ang binata sa noo ng Pop Princess, saka inayos ng aktor ang suot na jacket ng dalaga.

Lalong kinilig ang fans nang sa fashion show ay hinubad ni Matteo ang suot na T-shirt at inihagis kay Sarah. Nakakaloko ang ngiti ni Matteo bago ihagis ang T-shirt kay Sarah, na natawa na lang nang sinalo ang damit ng boyfriend. Katabi ni Sarah si Vhong Navarro, na parang biniro pa siya.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Well-loved couple sa showbiz sina Matteo at Sarah, at kung may nagne-nega man, iilan lang sila. Ang hinihintay na lang ng mga nagmamahal sa dalawa ay kung kailan s i l a magpapak a s a l , dahil nasa right age na sila pareho. Wala na sigurong kokontra.

-Nitz Miralles