ISANG linggong nagbakasyon sa bansa si Aicelle Santos upang mag-recharge at ipahinga ang boses mula sa araw-araw niyang pagganap bilang Gigi Van Tranh sa musical play na Miss Saigon.

Aicelle Santos

Isa sa highlights ng Miss Saigon ang killer song na The Movie in my Mind.

Marami nang Pinay singers ang gumanap bilang Gigi, kabilang na si Isay Alvarez. Si Rachel Ann Go naman ang huling gumanapa na Gigi bago si Aicelle.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang role ni Kim, na pangunahing karakter sa musical, ay ginampanan ni Lea Salonga. Ginawaran pa nga ng Tony Award si Lea, at nakilala bilang international star.

Gayunman, hindi boses kundi knee ailment or joint inflammation ang pinoproblema ngayon ni Aicelle, na pumirma na ng isang taong kontrata for Miss Saigon.

May song-and-dance number si Aicelle, na sa kabila ng pananakit ng kanyang tuhod ay nagagampanan niya nang wasto ang kanyang role.

“Naitatawid ko pa naman ang performance ko gabi-gabi. May understudy naman po just in case na hindi ko na makayanan,” sabi ni Aicelle. “I ask for prayers for fast healing, at matapos ko ang kontrata na walang aberya.”

-REMY UMEREZ