UMUSAD sa semifinal round ang pambato ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at ang tinaguriang ‘Sprint King’ na si Veruel Verdadero sa 100m dash sa ginaganap na Asian Youth Olympic sa Songkhla Thailand.

Ang nasabing kompetisyon ay magsisilbing qualifying round para sa nalalapit na Youth Olympic Games (YOG) na gaganapin sa Buenos Aires sa Argentina sa Oktubre.

Kabilang sa mga bansang nakapasok sa semifinals ay ang Japan, Qatar, Indonesia, Malaysia at Thailand na kasalukuyang naglalaro upang malaman kung sino ang makakapasok sa finals na gaganapin Miyerkules ng gabi.

“Pipilitin ko po na makapasok, kasi first time ko po na sasali sa YOG if ever, kaya sisikapin ko po na manalo dito para makarating po sa Argentina,” pahayag ng 16-anyos na si Verdadero.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Kabilang si Verdadero sa mga batang pinarangalan ng PSC-POC Media Group sa nakaraang Phoenix Siklab Awards na ginanap sa Century Park Hotel.

-Annie Abad