ENGLAND (Reuters) – Nagdeklara ang British police ng major incident nitong Martes ng gabi matapos na malagay ang isang babae at isang lalaki sa malubhang kondisyon,dahil maaaring na-expose sila sa unknown substance malapit sa bayan ng Salisbury sa katimugan ng England.

“Wiltshire Police and partners have this evening declared a major incident after it is suspected that two people might have been exposed to an unknown substance in Amesbury,” saad sa pahayag ng pulisya.

“Emergency services were called to an address in Muggleton Road, Amesbury on Saturday evening (June 30) after a man and woman, both in their 40s, were found unconscious in a property,” ayon sa pulisya.

Ang Amesbury ay nasa 11 kilometro ang layo sa hilaga ng Salisbury, kung saan noong Marso ay malubhang nagkasakit matapos malason ng nerve agent ang dating Russian spy na si Sergei Skripal at anak nitong si Yulia.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Ginagamot ngayon ang babae at ang lalaki sa Salisbury District Hospital, na nananatiling bukas sa publiko, ayon sa pulisya.