PINAKILIG ng Korean star na si Jung Hae-in ang puso ng kababaihan nang gumanap siyang boyfriend ng babaeng mas matanda sa kanya sa hit drama na Something in the Rain. Salamat sa project, siya at ang kanyang leading lady na si Son Ye-jin ay naging instant star at si Jung Hae-in ay naging isa na sa hottest Korean actors.

Jung Hae-in copy

Nagkaroon naman ng pagkakataong makasalamuha ni Jung Hae-in ang kanyang Pinoy fans sa kanyang unang fan meeting na may title na Smile, sa KIA Theatre kamakailan. The day before that, nakipag-usap si Jung Hae-in sa Bulletin Entertainment sa Marco Polo Ortigas hotel.

Ang kanyang schedule ay hectic sa ngayon ngunit kapag tinatrabaho niya ang mga proyekto gaya ng TV dramas, “most of the time I want to watch the movies and dramas I wasn’t able to watch, work out with my buddies and I also spend time with my loved ones.”

Tsika at Intriga

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya

Halata namang nag-paid off ang kanyang mga pinagdaanang workout sa gym dahil kitang-kita ang kanyang great physique sa Something in the Rain. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng mgandang pangangatawan, ikinokonsidera niya na ang pinaka-sexy at attractive sa kanya ay ang kanyang mga mata.

Dahil nabigyan siya ng isang araw para makasaluha ang fans, nais ni Jung Hae-in na pumunta sa Bohol kasama sila.

“I just want to feel the nature right here, like in resting spots like Bohol,” sabi niya.

Nagsimula si Jung Hae-in sa drama na Bride Of The Century noong 2014. Ang kanyang iba pang TV dramas ay ang Blood, Yeah, That’s the Way It Is, Night Light, While You Were Sleeping at Prison Playbook.

Sa Manila fan meeting, ipinakita niya ang kanyang charms at kumanta rin siya.

“Kamusta? Masaya akong makita kayo,” bati niya sa fans.

Bibo rin niyang sinagot ang mga tanong ng fans, nakipaglaro sa mga ito at pumayag din siyang magpakuha ng litrato kasama ang fans. Gayundin, binigyan niya ang ilang masuwerteng tagahanga ng kanyang mga personal na gamit.

Maraming nakalatag na plano si Jung Hae-in para sa nalalabi pang mga buwan ng taon.

“There are a few fan meetings left and I’m also planning for a fan site and I’ll be also in a movie or drama,” aniya.Dinala ng CDM Entertainment at FNC Entertainment ang Smile fan meeting ni Jung Hae-in sa Manila.

-Manila Bulletin Entertainment