NASA Paris, France si Heart Evangelista.

Heart copy

Last Sunday ay nag-post siya sa Instagram niya habang nakasakay sa Cathay Pacific plane: “Taking some time away to focus on work. Sometimes you have to leave to catch your breath a little. I feel so fortunate to have a job that allows me to do this. Thank you for being with me every step of the way... #lifewelltravelled #cathaypacific.”

Bago umalis, magkasama sila ng husband na si Senator Chiz Escudero in an undisclosed island. Caption ni Heart sa IG niya: “I am so blessed to have you in my life. A partner that not only inspires me but constantly gives me the strength to spread my wings. God sends us angels in many different forms.”

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Sa post niya in Paris, kasama ni Heart sa picture si Kevin Kwan, ang Singaporean-American novelist ng Crazy Rich Asian.

Comment tuloy ni @queenjudytan “That’s @kevinkwanbooks? Hmmm... something’s cooking... I feel you’re going to be on the second film instalment of his books, looking forward to it.”

Marami ring best wishes na ipinaabot kay Heart mula sa mga kapwa niya artista, like her best friend Lovi Poe, para mag-enjoy siya sa Paris.

Matatandaan na magkasunod na nawala ang kambal na ipinagbuntis ni Heart noon. Nanahimik noon si Heart kahit sinabi niyang tanggap daw nilang mag-asawa ang nangyari.

After two weeks, muli ngang nagsalita si Heart na ready na siya ulit mag-work. Iyon nga lamang, wala pa siyang sinasabi kung may bago ba siyang sisimulang teleserye sa GMA.

Ang huli niyang project sa Siyete ay ang romantic-comedy series na My Korean Jagiya with Korean actor Alexander Lee.

-NORA V. CALDERON