May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Obviously mga victim kami!' Gil Cuerva, nasisi pa dahil sa kumalat na sex scandal

'Obviously mga victim kami!' Gil Cuerva, nasisi pa dahil sa kumalat na sex scandal
Photo courtesy: Screenshot from TRGGRD! (YT)/Gil Cuerva (IG)

"Hindi raw kasi nag-ingat!"

Muling nagbigay ng pahayag ang Kapuso actor na si Gil Cuerva kaugnay ng kontrobersyal na sex video scandal na kinasangkutan niya kamakailan, kung saan iginiit niyang tila hindi seryoso ang pagtingin ng publiko kapag lalaki ang biktima.

Matatandaang isa si Gil sa tinaguriang "Big Four" na male celebrities na nasangkot sa pinagpiyestahang maselang videos, na later on, hindi lang pala sila ang biktima kundi marami pa.

Kalaunan, naglabas ng opisyal na pahayag si Gil para kondenahin ang mga nangyari, na aniya ay isang intimate na sandali kasama ang isang babae.

Maki-Balita: Gil Cuerva, nagsalita na tungkol sa umano'y sex scandal niya

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Maki-Balita: Ibang Big Four pala? Sex scandal umano nina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad pinagpiyestahan!

Sa episode ng podcast na TRGGRD! noong Mayo 1, 2026, naging bukas si Gil sa pagbabahagi ng kaniyang pananaw tungkol sa tinatawag na “cancel culture,” pati na rin sa umano’y double standard laban sa kalalakihan.

Bagama’t hindi niya direktang tinukoy ang kontrobersiya, malinaw na ang viral scandal ang tinutukoy ng aktor nang talakayin niya ang mabilis na paghusga ng publiko sa mga lalaking nasasangkot sa ganitong uri ng isyu.

Sumang-ayon si Gil sa obserbasyon ng host na si Vince Maristela na mas madaling ma-“cancel” ang mga lalaki sa kasalukuyan.

“Kahit nobody knows the full story… people like to assume agad, you’re painted in a bad light,” ani Gil.

Ayon pa sa aktor, may mga pagkakataong hindi naman kasalanan ng lalaki ngunit agad pa rin itong hinuhusgahan ng publiko dahil sa umiiral na stereotype laban sa kalalakihan.

Ibinahagi rin ni Gil na bagama’t kinikilala niyang biktima sila ng insidente, marami pa rin umanong netizens ang tila minamaliit ang kanilang pinagdaanan.

“Parang may victim-blaming pa din, e, because we’re guys,” saad niya.

"Parang 'Oh ginusto naman 'yan.' Parang 'Di ka kasi nag-ingat,'" paliwanag pa niya.

Aniya, kung babae umano ang nasa parehong sitwasyon, posibleng iba ang naging reaksiyon ng publiko at mas mabigat ang simpatiyang matatanggap nito.

Inamin din ng aktor na naging mabigat at traumatiko para sa kanya ang buong karanasan, ngunit mas pinili niyang manahimik at mag-move forward kaysa paulit-ulit na ipaliwanag ang kanyang panig.

“I handled it with grace and dignity and just moved on with my life,” pahayag niya.

Samantala, suportado rin ni Gil ang iba pang mga personalidad na nagsalita tungkol sa kanilang karanasan bilang mga umano’y biktima ng parehong modus.

Ayon sa lumalabas na impormasyon, iniimbestigahan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang umano’y organisadong operasyon kung saan lihim na kinukunan ng video ang mga male celebrity habang nasa pribadong sitwasyon kasama ang isang babae, bago umano ibenta online ang nasabing footage.

Ang detalye tungkol sa umano’y “organized crime” ay unang ibinahagi ng film producer na si Bryan Diamante, na nagsabing isa sa kaniyang talents ang kabilang sa mga naging biktima.

Sa kabila ng kontrobersiya, umaasa si Gil na magsilbing babala at aral ang kaniyang karanasan upang mas maging maingat ang iba laban sa ganitong uri ng pananamantala.