MAGSASAGAWA ng anti-doping summit at seminar ang Philippine Sports Commission sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Hulyo 19.

Pineda

Pineda

Kabilang sa mga magiging tagapagsalita ng nasabing seminar ay sina Southeast Asia Regional Anti-Doping Organization (SEA-RADO) Director General, Dir. Gobinathan Nair at si Dr. Jose Raul Canlas ng International Basketball Federation (FIBA) Medical and Doping Commission.

Inaasahan ang pagdalo ng 250 kalahok buhat sa local government units (LGUs), university at collegiate sports organizations, national sports associations (NSAs) sa proyektong pangangasiwaan ng Philippine Sports Institute (PSI), sa pamumuno ni national training director Marc Edward Velasco.

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

Sa Hulyo 20 at 21, nakatakda naman na magtipon ang mga national coaches para sa Anti-Doping seminar kung saan tatalakayin ang mga isyu ukol sa medical disclosure at therapeutic use exemptions na siyang magiging paksa ng talakayan.

Pangungunahan ni Dr. Alejandro Pineda, ng PSC Sports Medicine at Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO) Head ang nasabing magkasunod na events na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng Pinoy sa usapin sa doping, gayundin sa iba’t ibang energy drinks n a naglilipana sa merkado.

“With recent developments happening, I believe this is very timely and useful for everyone,“ pahayag ni Pineda.

Suportado naman ng PSC Board, sa pangunguna ni officer-in-charge Comm. Arnold Agustin ang nasabing event , kung saan aniya ay nararapat lamang na maisagawa ang nasabing programa upang mapakinabangan ng lahat ng may kinalaman sa sports

“This is an appropriate, interesting and valuable matter that will benefit a lot of sports stakeholders,” ani Agustin.

-Annie Abad