MARAMING naintriga sa kumakalat na pictures kung saan hinalikan ni Coco Martin ang leading lady niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano na si Yassi Pressman habang nasa loob sila ng tent.

Coco & Yassi (2)

Naging isyu ito nang malamang hindi pala kasama sa eksena ang paghalik ni Coco sa kanyang ka-love team sa serye.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa aktor, kinumpirma nito ang paghalik kay Yassi subalit iginiit na beso-beso lang daw ang palitan nila ng halik ng dalaga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Hindi naman kiss iyon, beso-beso lang iyon,” depensa ni Coco.

Paliwanag rin ni Coco, normal lang sa kanila na mag-beso-beso kapag dumadating sa set ng show. Hindi naman daw sila nag-lips to lips gaya ng akala ng marami, lalo na ng fans nila ni Yassi.

Sa kabila nito, masayang tinanggap ni Coco ang mainit na feedback ng mga fans kina Cardo at Alyana, ang mga karakter na ginagampanan nila sa show. Lalo silang na-inspire at mas lalo pa nilang gustong ipakita kung paano mai-in love muli ang dalawa. As in sa takbo ng kuwento sa Ang Probinsiyano ay muling magbabalik ang masasaya at nakakakilig na pagbabalikan nina Cardo at Alyana sa serye.

“Gusto naming ipakita iyong tamang proseso kung paano sila magkakabalikan, o mahuhulog ulit iyong isa’t isa,” pagtatapos pa ni Coco

-ADOR V. SALUTA