James, piniling maging free agent; Lakers at Houston, pinagpipilian

CLEVELAND (AP) — Paalam Cleveland. Sa ikalawang pagkakataon, lilisanin ni LeBron James ang sariling tahanan para ipagpatuloy ang naunsiyaming pagkubkob ng kampeonato sa NBA.

Wala na ang diwa ni James sa Cavaliers at inaasahang tatawirin ang bagong teritoryo na makukunan niya ng bagong lakas para sa isa pang minimithing titulo.

Mula sa dalawang source na may direktang kinalaman sa isyu, ipinaalam na umano ng four-time MVP sa pamunuan ng Cleveland Cavaliers na hindi na niya tatanggapin ang nalalabing US$35.6 milyon sa huling taon ng kontrata para maging isang ganap na free agent sa pagbubukas ng season.

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

Ipinarating ng mga kinatawan ni James sa Cavs management nitong Biyernes (Sabado sa Manila) na may mga sources na na nagbigay ng pahayag sa Associated Press, ngunit tumangging ipabangit ang pangalan dahila sa Hulyo 1 pa magiging pormal ang pagbubukas ng free agencvy.

Wala namang pormal na pahayag ang Cavs management hingil sa isyu.

Inaasahan na ang aksiyon ng hree-time champion, naglaro sa ikawalong sunod na NBA Finals, subalit nabigo sa ikatlong pagkakataon sa apat na Finals laban sa Golden State Warriors.

Sa ngayon, wala pang malinaw kung saan patutungo ang 33-anyos na umalis sa Cleveland sa ikalawang pagkakataon sa loob ng walong taon. Noong, 2010, lumipat siya sa Miami Heat at nagwagi ng dalawang titulo sa apat na season. Nagbalik siya sa sinilangfang Northeast Ohio noong 2015 at naibigay sa Cavaliers ang unang kampeonato matapos ang limang dekada noong 2016.

Nauna nang ipinahayag ni James na kung lilipat siya ng koponan kabilang sa dahilan ng kanyang desisyon angh kalagayan ng pamilya. Mag-aaral sa Los Angeles University ang anak na lalaki ni James, sapat para mabuo ang hinala na sasama siya sa Lakers. Ngunit, malakas din ang ugong-ugong na nais niyang magbuo ng ‘super team’ kasama sina Chris Paul at James Harden sa Houston.

Crawford, patungo sa Golden State?

Sa ulat ni Zazh Lowe sa ESPN. com, interesado umano ang defending champion Warriors na kunin ang serbisyo ni sharp-shooter Jamal Crawford.

Kabilang si Crawford, tinanghal na three-time KIA Sixth Man of the Year, sa malalaking pangalan na malilibre sa free ahency simula sa Hulyo 1.

“There is some mutual interest between the Warriors and Jamal Crawford in a potential minimum deal, sources say. He might want more than the minimum. It’s unclear if the Warriors will use their mini-midlevel exception, but if they do, it likely will not be on Crawford,” pahayag ni Lowe.

Tangan ni Crawford ang averaged 11.8 puntos, mula sa 41.2 percent shooting sa 3-point range.

Interesado umano ang Warriors, na nagnanais na madagdagan ang outside threat. Nakatakda namang lumagda ng malaking kontrata si Kevin Durant.

McCaw, restricted free agent

Nagbigay naman ng qualifying offer ang Warriors kay reserve guard Patrick McCaw, sapat para makuha ang karapatan na tapatan ang anumang offer na iaalok sa kanya bilang restricted free agent, ayon sa source ng ESPN.

Tangan ni McCaw ang averaged 4.0 points per game, ngunit sa edad na 22-anyos malaki ang poternsyal nito na maging isang superstar.