NAGTATANONG ang netizens kung may away ba ang magkapatid na Andre at Kobe Paras dahil they unfollow each other sa Instagram. Parehong may nakasulat na “no users found” sa kani-kanyang IG account ang dalawa, patunay na hindi na nila pina-follow ang isa’t isa.

aNDRE, jACKIE AT kOBE copy

Kung totoo ngang in-unfollow nina Andre at Kobe ang isa’t isa, gustong malaman ng kanilang fans ang rason. Nag-away daw ba ang mga anak ni Benjie Paras? Kung nag-away man, ano ang dahilan? May kinaalaman ba ang mom nilang si Jackie Forster, na narito ngayon sa Pilipinas with her whole family.

Napapans in ng followers ng magkapatid na batay sa pictures na ipino-post ay mas madalas makasama ni Kobe si Jackie at ang pamilya ng huli. Si Andre naman, kung nakakasama man ang ina ay hindi masipag mag-post.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sayang at lumabas ang isyu ng pag-a-unfollow nina Andre at Kobe sa isa’t isa na tapos na ang presscon ng The Clash. Kasama sina Andre at Joyce Pring sa singing competition bilang clashmates, sila ang nagbibigay ng updates sa quest for musical stardom ng Top 62 clashers.

-NITZ MIRALLES