MAY natanggap kaming balita na nagpaparamdam daw si John Lloyd Cruz na babalikan na ang basta-basta na lang iniwan na trabaho sa Kapamilya network.

John Lloyd

Ayon sa nakausap namin, nagpapahiwatig daw ang aktor na babalikan na ang showbiz career.

Dagdag pa ng kausap namin, tinawagan daw ng kampo ni John Lloyd ang mismong head ng Star Magic na si Direk Johnny Manahan, at humihiling daw ng project ang aktor, huh!

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Pero ayon pa sa source namin, may mga executive daw ng Dos na hayagang tumutol na tanggapin agad-agad ang isang John Lloyd Cruz. Although, naniniwala raw ang mga ito na may “magic” pa rin ang aktor, nais daw ng mga ito na bigyan ng leksiyon si Lloydie.

Kumbaga, kailangan daw na turuan muna ng leksiyon si Lloydie sa ginawa nitong basta na lang talikuran ang sitcom nila ni Toni Gonzaga dahil sa pagmamahal kay Ellen Adarna.

“Baka naman naramdaman na ni John Lloyd Cruz na medyo kinapos na siya kaya kailangan na niya ang ABS-CBN,” sey pa ng source namin.

Dagdag pa rin ng kausap naming Kapamilya insider, nakarating na rin daw sa kanila ang impormasyon na medyo may problema na nga raw sa pinansiyal si John Lloyd. Bukod daw kasi sa kakaibang lifestyle nito at ng karelasyong si Ellen, isang malapit na kamag-anak daw ni Lloydie ang umaasa sa suporta nito dahil sa iniindang kakaibang karamdaman.

Pero lahad pa rin naman ng kausap namin, kung merong mga ABS-CBN executives na against ay meron din namang nagsasabing dapat daw na tanggapin muli ng network ang aktor. Hindi naman daw kaila sa lahat na kahit papaano ay nag-akyat din ng malaking pera sa Kapamilya network.

At ang latest na narinig namin ay malaki raw ang posibilidad na babalik si John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home, huh!

-JIMI C. ESCALA