OKLAHOMA CITY (AP) – Handa nang tumanggap ng bagong kontrata sa ibang koponan si Paul George.

Tinanggihan ni George ang nalalabing option (US$20.7 milyon) para manatili sa Oklahoma City Thunder para maging unrestricted free agent nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Ayon sa souce na may direktang kinalaman sa usapin, ngunit tumangging pangalanan, sa The Associated Press, handa nang makipag-usap sa ibang koponan ang all-star forward.

Inaasahan na ang desisyon ni George, nakapagtala ng averaged 21.9 points, 5.7 rebounds at 2.0 steals sa nakalipas na season sa Thunder, higit ang malakas ang ugong-ugong para sa binubung super team ng Los Angeles Lakers na kinabibilangan din ni LeBron James, na opisyal ding magiging free agent sa Hulyo 1.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Hinahabol din siya ng Houston Rockets. Ngunit, sakaling manatili sa Thunder, naghihintay kay George ang US$176 millyon five-year deal.

“From the day that he arrived, we really made a specific and intentional effort to build a relationship with Paul and his representation built on three things: collaboration, transparency, and trust,” pahayag ni Thunder GM Sam Presti. “Those tenets were followed throughout the year and continued to be. I felt strongly about the relationship. I feel great about the communication and the honesty, about the way we started the relationship.”