ANG beteranang biritera na si Dulce ang bagong hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime.

Dulce

Isang music icon nang maituturing si Dulce, na sa paglipas ng maraming taon ay hindi kumukupas ang husay sa pagkanta. Mayaman siya sa karanasan at tiyak na ibabahagi niya ito sa mga kalahok .

Tulad ni Pilita Corrales, nananatiling in-demand si Dulce sa mga pagtatanghal sa loob at labas ng bansa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Wala sa bokabularyo niya ang magretiro o mamahinga sa pagkanta.

“I will sing for as long as my voice would allow. Gift ito ni Lord, at ayokong sayangin,” sabi ni Dulce.

Ano ang puwedeng asahan kay Dulce bilang hurado?

“Susuriin ko ang lakas at kahinaan ng kalahok. Pupurihin kung mahusay ang naging performance, at punahin at ituwid kung sumablay sa delivery ng kanta,” sabi ng Asia’s Diva. “Aking ise-share sa kanila ang ilang do’s and don’ts sa pagkanta.”

-REMY UMEREZ