SIKAT sa mga Pinoy ang Korean girl group na Momoland at siguradong ipagbubunyi ng fans ang nadiskubre sa bagong music video ng grupo.
Tampok sa bagong music video ng Momoland ang watawat ng Pilipinas at ang mga jeep na dito lamang matatagpuan sa bansa.
Ang newest single ng Kpop group, ang BAAM, ang kanilang major comeback mula nang i-release nila ang kanilang hit song na Bboom Bboom noong Enero.
Makikita sa video na sumasayaw ang mga miyembro at naghahanap ng hidden treasures sa iba’t ibang bansa.
Sa katunayan, bibisita ang K-pop girl group sa Pilipinas sa Agosto 18.
Ang mga miyembro ng Momoland ay sina Hyebin, Yeonwoo, Jane, Taeha, Nayun, Daisy, JooE, Ahin, at Nancy.
-Katherine Marajas